Sa nasabing kumbensiyon, magtitipon-tipon ang mga day care worker mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan kasabay ng selebrasyon ng Baragatan sa Palawan 2011.
Ang kumbensiyon ay kapapalooban ng mga talakayan na magbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga partisipante upang lalong mapabuti ang kanilang paglilingkod sa day care.
Hangarin ng Pamahalaang Panlalawigan na maitaas ang kalidad ng pagtuturo sa mga batang Palaweño na bahagi ng kanyang HEAT program ng administrasyong Mitra.
Ilan sa mga naanyayahang tagapagsalita sa programa ay sina G. Jay Menes, isang aktor at professional storyteller na tatalakay sa paksang storytelling: a tool for learning; Gng. Ma. Angela Carina Yap-Castro, isang consultant na magbabahagi ng paksang multiple intelligence among preschool children; at Professor Cymbeline Martinez na magbabahagi hinggil sa paksang stress management.
Samantala, nakatakda ring bigyan ng parangal ang mga day care workers na nakapagbigay ng serbisyo sa loob ng sampu, labing-lima at dalawampung taon.
Ang 18th Annual Provincial Day Care Workers Convention ay itinataguyod ng Provincial Social Welfare and Development Office sa pamumuno ni Bb. Apolonia Y. David. (PIO/Orlan C. Jabagat/PIA4B-Palawan)
Type the code from the image