connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: Registration para sa ‘Save the Marikina Watershed Fun Run’ mag-uumpisa ngayong araw
posted 29-Mar-2012  ·  
0 comments
Simula sa araw na ito Biyernes, Marso 30, ay magsisimula na ang registration para sa gaganaping Del Run (Save the Marikina Watershed Fun Run).

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Marikina, layunin ng patakbong ito na makalikom ng pondo upang makabili ng mga binhi ng puno na itatanim sa 20 ektaryang lupain sa Marikina Watershed.

Kaugnay nito, inanyayahan ni Marikina Mayor Del De Guzman ang publiko na makilahok at makiisa sa makabuluhang proyektong ito.

Sa mga nais sumali ay maaaring magpatala sa mga sumusunod na registration sites: Fitness First (Robinsons Metro East); Pure Gold (Marikina Heights Branch); Graceland Mall Plaza; SM Marikina; Marikina Sports Park; at sa Labor Relations and Public Employment Service Office (LRPESO). Ang registration fee ay P400 para sa 5K category at 10K category, samantalang P500 naman para sa 21K category.

Samantala, ang mananalo sa 5K category ay mag-uuwi ng PhP3,000, sa 10K category ay P5,000 at sa 21K category ay P10,000.

Ang Del Run ay gaganapin sa ika-22 ng Abril, Linggo. Ito ay magsisimula sa ganap na ika-5 ng umaga sa Marikina Sports Park.

Para sa mga katanungan, mangyaring makipag-ugnayan sa Public Information Office sa telepono bilang 646-6451. (MARIKINA-PIO/RJB/JEG-PIA-NCR)
0 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
187
views
share
like
posted
29-Mar-2012
ugnayan © 2014
online: 
37 visitors