connect now
Cancel
Cancel
Cancel
Tagalog news: P700M pangpondo sa OTOP sa 2013 ayos na
By Shane F. Velasco
posted 5-Jul-2012  ·  
1 comments
Maglalaan na sa kauna-unahang pagkakataon ang Department of Trade and Industry (DTI) ng pondo para sa muling pagsusulong sa programang One Town, One Product (OTOP).

May P700 milyon ang itinakdang pondo para sa 2013 na naglalayong tulungan ang mga maliliit at katamtamang negosyo partikular na ang paglalako nito sa merkado. Sa isang pahayag ni DTI Sec. Gregory Domingo sa pagtitipon ng mga small and medium enterprises (SMEs) sa Bulacan, sinabi nito na mula 2011 hanggang 2012, gumagastos lamang ang ahensiya para sa OTOP mula sa mga "savings" nito. Habang sa isang taon, magkakaroon na ito ng nauukol na pondo.

Pahayag naman ni DTI provincial director Bulacan Zorina Aldana, “magandang development ang muling paglalaan ng pamahalaang nasyonal ng pondo para sa OTOP dahil makakasiguro na tayong makakalikha ng dalawang milyong trabaho sa buong bansa pagsapit ng 2016 mula sa sektor na ito. Makakatiyak din tayo na tuluy-tuloy muli ang mga pagpapautang sa ating mga SMEs para makapagsimula at mapaunlad ang kanilang negosyo.”

Taong 2005 nang ipakilala ng pamahalaang nasyonal ang OTOP na naglalayong iangat ang kabuhayan ng mga mamamayan sa lahat ng rehiyon, lalawigan, bayan, at lungsod sa pamamagitan ng itatanghal na produkto.

Binigyang diin pa ni Aldana na sa paglalaan pondo para sa OTOP, unang-unang makikinabang dito ang Bulacan bilang lalawigan na tinaguriang "SME Capital "ng bansa. May mahigit 40,000 mga SMEs ang rehistrado sa DTI-Bulacan na may kabuuang yaman o asset na P6 bilyon.

“Sa Bulacan lang siguro na sertipikadong may natatanging produkto kada bayan: longganisa ng Calumpit, inipit ng Guiguinto, ensaymada ng Malolos, pastillas ng San Miguel, buntal hat ng Baliwag, minasa ng Bustos, liempong Bocaue, sukang Paombong, at napakarami pa. Kaya isang indikasyon ito na sisiglang muli ang OTOP sa inisyatibong ito ng DTI,” ani Aldana.

Bahagi rin ng lalaanan ng nasabing pondo ay ang product development, packaging development, market linkages at pagpapautang ng walang kolateral sa tulong ng mga government financial institutions (GFIs) gaya ng Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines (DBP) sang-ayon sa itinatadhana ng magna carta for Small and Medium Enterprises (SMEs) of 2008 o ang Republic Act 9501.

Dagdag pa ni Aldana, “isa rin itong malaking sagot sa mataas na unemployment tuwing may mga bagong graduates. Kaya mahihikayat na natin sila na magshift sa pagnenegosyo kaysa lahat ay naka-asa sa pag-eempleyo.” (CLJD/SFV-PIA 3)
1 comments
New to ugnayan?
leave a comment, you need to connect.
Connect thru
Cancel
Cancel
Cancel
malaki po ang maitutulong ng OTOP sa pagsulong ng kabuhayan ,lalo na sa mga bulakenyo.sana po ako ay mapabilang sa mga matuturuan at matutulungan maraming salamat po.
by Jenet Tinasas  ·   27-Nov-2012  ·  
949
views
share
like
posted
5-Jul-2012
ugnayan © 2020
online: 
35 visitors